TERRIJANE BUMANLAG
MULING nadagdagan pa ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa buong bansa matapos makapagtala ang Department of Health ng 230 bagong reported positive case kahapon.
Umaabot na sa 5,453 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan nakapagtala rin ang DOH ng mataas na bilang na 58 na mga bagong gumaling sa coronavirus sa loob ng isang araw.
Dahil dito, umakyat na sa 353 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na COVID-19 patients na mas mataas kumpara sa bilang ng death case na nasa 349 bunsod ng 14 na bagong kaso ng nasawi dahil sa komplikasyon sa COVID-19.