TERRIJANE BUMANLAG
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na arestuhin ang mga nanghaharass sa mga health workers at i-admit ang mga COVID-19 patients sa mga ospital.
Binalaan din ng Pangulo ang mga personnel ng hospital na ire-relieve o sususpendihin kapag hindi sumunod dito.
Kaugnay nito ay iminungkahi ng Department of Finance sa Pangulo na bigyan ng cash assistance ang mga nasa middle class partikular ang mga empleyado ng mga small businesses.
Pinapabilis na rin ng Pangulo ang pagpapabili ng mga rapid test kits na nagkakahalaga ng mahigit tatlong bilyong piso para ito ay agad na magamit na.