JAMES LUIS
PINAG-AARALAN ngayon ng NBA na buksan na ang ilan sa mga team practice facilities sa mga lugar kung saan medyo maluwag na ang stay-at-home orders sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ay matapos luwagan ng Georgia ang kanilang stay-at-home restrictions, kaya posibleng buksan na ng Atlanta Hawks ang kanilang pasilidad sa mga susunod na araw.
Gayundin ang Oklahoma, na siyang balwarte ng Oklahoma City Thunder.
Sa kabila nito, ipinagbabawal pa rin ng liga ang organized team activities pero papayagan naman ang voluntary workouts.
Marso a-11 nang suspendihin ng NBA ang mga laro nang magpositibo sa COVID-19 si Utah Jazz Center Rudy Gobert.
Sa ngayon, hindi pa rin malinaw kung ipagpapatuloy pa ang 2019-2020 session dahil sa COVID-19 pandemic.