JAMES LUIS
NAKATAKDANG mag-donate ng P500,000 worth ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) ng personal protective equipments (PPEs) para sa mga frontliners.
Sa isang pahayag, sinabi ni NCAA Management Committee Chairman Peter Cayco ng Arellano University na ang mga PPEs ay ibabahagi nila sa mga ospital sa Metro Manila.
Dagdag pa nito na kahit ang bawat paaralan na kasama sa NCAA ay may kanikanila nang nagawa na pagtulong laban sa COVID-19, ito ang unang pagkakataon na sila ay magkakaisa bilang isang pamilya.
Ang sampung mga paaralan ay nasabing may naitulong na sa proyektong ito na makatutulong sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sa huli, umaasa at nananalangin ang buong NCAA na maitigil na ang banta ng COVID-19 pandemic.