CHERRY LIGHT
TATANGGAP na ng pasyente sa COVID-19 ang Ninoy Aquino Stadium ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila bilang quarantine facility simula ngayong araw ayon kay National Task Force COVID-19 Chief Implementer at Sec. Carlito Galvez.
Sinabi ni Galvez na kaya nitong mag-accommodate ng higit sa isandaang pasyente.
Una nang nagbukas bilang parehong pasilidad ang Rizal Memorial Coliseum na nasa loob din ng sports complex na mayroong mahigit isandaang bed capacity.
Umaasa rin ang kalihim na magiging operational na ngayong linggo ang anim pang mass quarantine facilities na may kakayahang tumanggap ng higit dalawang libong suspected at probable COVID-19 patients.