JAMES LUIS
SINABI ni Novak Djokovic sa isang facebook livestream na walang makapipilit sa kanya na magpavaccine upang maglakbay.
Sa isang pahayag, sinabi ng #1 world tennis player at ng kanyang asawa na si Jelena kasama ang kanilang dalawang anak na sila ay kontra sa ideya ng vaccination.
Samantala, ang isang kilalang virologist na si Predrag Kon ay tumugon kay Djokovic na hindi dapat ito manawagan laban sa vaccination dahil siya ay kilala sa mga Balkan countries sa Europa.
Sa huli, sinabi ni Novak na mayroon siyang opinyon tungkol sa paksa ngunit hindi niya alam kung ito ay magbabago.