CHERRY LIGHT
NAKATAKDANG ipadeport pabalik ng Pilipinas ang isang Pinay caregiver sa Taiwan dahil sa umano’y “hate posts” nito sa social media laban kay Pangulong Rodrigo R. Duterte na kinilala ni Labor Attache Fidel Macauyag ang caregiver na si Elanel Ordidor.
Ani Macauyag na binisita na nila si Ordidor sa Yunin County at pinaliwanag ang tungkol sa kanyang mga post sa facebook kung saan maaari siyang makasuhan sa Taiwan at Pilipinas.
Ayon kay Macauyag, gumagamit ng ibang accounts si Ordidor at nagbuo pa ng grupo para siraan ang Pangulo at maghasik ng galit sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Pag-uwi sa Pilipinas ay mahaharap si Ordidor sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cyber Crime Act.