CHERRY LIGHT
DUMATING na sa Maynila ang ilang Pinoy seafarers na galing South Korea para sumailalim sa quarantine sa COVID-19 quarantine ships.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commodore Armand Balilo, sa initial assessment ng medical team ay maayos naman ang kalagayan ng mga ito.
Sinabi ni Balilo na may iba pang batch ng pinoy seafarers ang inaasahang darating mamayang hapon at gabi para sumailalim din sa quarantine sa COVID-19 quarantine ships.
Matatandaang ilang barko ang ginawang quarantine facility para sa mga magbabalik bansa na seafarers at OFW.