Vick Tanes
ALAM n’yo bang mabisa ang olive oil para sa sakit sa puso at mainam na langis na panlaban sa cancer?
Ayon sa Department of Health (DOH) ang mga nakabubuting mantika mula sa olive oil ay nakatutulong din sa paglilinis ng atay. Maaaring sumama sa mga langis na ito ang ilang nakalalasong kemikal at substansya na nasasala ng atay.
Imbes na ordinaryong mantika, taglay ng olive oil ang antioxidant properties na kailangan ng katawan. Bukod sa monosaturated fats na nagpapababa sa cholesterol, mayaman din ang olive oil sa vitamin E na mabuti sa ating mga kutis, mata at immune system.
Una na rito ay pinipigil ng olive oil ang paglaki ng cancer cells at binabawasan nito ang panganib na dulot ng heart attacks at stroke dulot ng cholesterol sa ating mga katawan.
Binabawasan ng olive oil ang damaging effects ng cholesterol, high blood pressure at age-related diseases sa ating pangangatawan pero dahil mataas ang calories na taglay ng olive oil, ipinapayo ng mga eksperto na dapat ay limitado lamang sa one tablespoon a day ang pagkonsumo dito.
Ang pagkain o pagkonsumo ng isang kutsara ng olive oil kada araw ay puwedeng magpahaba sa buhay ng isang tao.
Wala namang side effects ang olive oil pero mas mainam na sundin lamang ang isang kutsara isang araw kumpara sa gamot na halos tatlong beses sa isang araw.