JAMES LUIS
KINANSELA na ng ONE Championship ang lahat ng kanilang close-door event ngayong buwan ng AbrilĀ ayon kay ONE Championship Chief Executive and Chairman Chatri Sityodtong dahil sa may bagong ipinapatupad na restriction ang Singapore.
Nagpatupad kasi ng partial lockdown mula Abril 7 hanggang Mayo 4 ang gobyerno ng Singapore kaya naapektuhan ang kanilang torneo.
Bukod pa dito aniya ay may ipinapatupad ang gobyerno na travel restriction kaya lubos na naapektuhan ang biyahe ng ilang mga fighters.
Tiniyak naman ng opisyal na ililipat nila sa ibang petsa ang mga ipinagpaliban na laban.