ADMAR VILANDO
IPINANAWAGAN ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na maghain ng ordinansa ang mga local government units na magbibigay parusa sa mga lalabag sa ipinatutupad na direktiba ng ECQ.
Aniya maaaring makulong ang mga lalabag o magmumulta ng isa hanggang sa dalawang libong piso.
Mas maganda umano na may ihahain na ordinansang magiging basehan sa pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga lalabag.
Suportado naman din ayon kay Año ang pagpapatupad ng mga local officials ng lockdown sa mga lugar nila dahil sa mga residenteng matitigas ang ulo.