MELROSE MANUEL
NAIPAMAHAGI na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang nasa P48-billion pesos para sa Social Amelioration Program o SAP.
Sinabi ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista, nasa 3.7 million na pamilya ang napagkalooban ng dagdag na suporta mula sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Aabot umano sa P16.3 billion pesos ang halagang nailaan sa nasabing hakbang habang naibigay na rin ang P424 million na ayuda para sa 77,244 na low income families na hindi kasama sa 4Ps.
Habang naglaan naman ang gobiyerno ng walong daang milyong piso para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.