MELROSE MANUEL
MAGLALAAN ang bansa ng nasa limamput isang bilyong piso para sa mga middle class ayon kay Finance Undersecretary Karl Chua.
Alinsunod ito sa kagustuhan ng Pangulo na matulungan din ang mga middle class ng bansa dahil na rin sa panawagan ng ilan sa mga pulitiko.
Ibibigay umano ang ayuda para sa mga negosyo na matutukoy sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue at Social Security System.
Ang naturang ayuda ay hindi kasali sa dalawandaan at limang bilyong piso na ibibigay ng gobyerno para sa mga kapus-palad na mamamayan ng bansa.
Dagdag pa ni Chua na nasa 1.6 milyon na maliliit na negosyo ang naapektuhan sa Luzon-wide enhanced community quarantine.
Nasa mahigit apatnaraang libong ang pwersahang nag-shut down habang nasa mahigit isang daang libo ang nananatiling nag-ooperate, kung kaya isa na rin sa tutulungan ng pamahalaan ngayon ang mga nasa middle class na pamilya.