MELROSE MANUEL
UPANG mapalakas ang contact tracing efforts ng gobyerno, gagawing mandatory ang pagsisiwalat sa pagkakakilanlan ng mga COVID-19 positive case matapos pagtibayin ang naturang polisiya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Makakatulong umano ito para mas mabilis na matukoy ang mga nakahalubilo ng pasyente ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Inatasan naman ang Office of Civil Defense sa contact tracing efforts ng gobyerno katuwang ang mga LGU’s.