MELROSE MANUEL
TATALAKAYIN ng National Task Force on Ending Local Armed Conflict kay Pangulong Rodrigo R. Duterte ang tungkol sa pagpapalawig ng unilateral ceasefire sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque matapos atasan ng CPP ang NPA units nito na itigil muna ang palitan ng putok sa mga tropa ng pamahalaan.
Sinabi ni Roque na pinalawig pa ang kanilang ceasefire ng hanggang alas-11:59 ng gabi sa Abril 30, na siya ring deadline ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.