TERRIJANE BUMANLAG
TARGET ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maipamigay na ang ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program para sa mga kababayang naapektuhan ng krisis ng COVID-19.
Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, nakapag-roll out na sila ng cash assistance sa ilang rehiyon at lugar sa Metro Manila.
Habang inaayos naman ang release para sa iba pang nakapag-comply sa requirements ng ayuda.
Sa ilalim ng programa, labing walong milyong mahihirap na pamilya ang target bigyan mula sa nakalaang isang bilyong pisong budget.
Aminado naman ang DSWD na posibleng hindi lahat ng pamilya sa bawat lokal ang maambunan ng benepisyo.