HANNAH JANE SANCHO
IPAGPAPATULOY ng Lungsod ng Taguig ang pamamahagi ng financial aid sa iba’t ibang sektor ng lungsod ngayon sa paglaban ng COVID-19.
Ito’y matapos magpaabot ng P4,000 na tulong sa mahigit 15,000 na miyembro ng TODA, JODA at PODA sa lungsod ang lokal na pamahalaan ng Taguig at nag-anunsyo ng P5,000 na financial aid para sa 25,000 na scholars sa lungsod.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano bukod sa mga nabanggit ay magpapaabot naman siya ng crisis assistance sa mga sektor.
Gaya ng tig apat na libong pisong ayuda para sa 68K na senior citizens at 12K PWD sa lungsod.
Pati na rin ang nasa 1000 mangingisda ,fish vendors at magsasaka na opisyal na nakatala sa taguig city ay makakatanggap din ng tig p4000 pesos na ayuda
Hindi rin pahuhuli ang nasa 1800 na vendors para sa 4k na cash assistance
Nito lamang a uno ng abril ay sinimulan na rin
ang buwanang suweldo na matatanggap ng brgy health workers ng taguig
Na dati rati ay allowance lamang at iba pang benepisyo
Dahil kabilang sila sa mga frontliners sa pagharap ngayon ng covid-19 crisis
Nai-promote na rin ng taguig city government ang mga health workers na mula volunteers na ngayon ay ginawa nang job order personnel