MARGOT GONZALEZ
MAHAHARAP sa kasong administratibo o kasong kriminal ang mga nakatanggap ng ayuda sa pamamagitan ng pandaraya ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na nakatatanggap sila ng reklamo na kahit patay na ay nagawa pang makatanggap ng Social Amelioration Program o SAP.
Inihayag din ni Bautista na sa pamamagitan ng pamemeke ay nagagawa ng mga mapagsamantala na makakubra ng SAP financial assistance mula sa pamahalaan.
Dapat din daw isauli ang nakubrang pera hindi lang ng mga mapagsamantalang gumamit ng patay para lang makakolekta kundi pati na ng iba pang hindiĀ kuwalipikadong tumanggap ng SAP financial assistance.