HANNAH JANE SANCHO
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon hanggang sa Abril 30.
Ayon kay Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force/On Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Spokesperson Karlo Nograles, ang lahat ng exemptions na ibinigay ng Office of the President o ng IATF ay magpapatuloy sa kasagsagan ng extended Luzon-wide quarantine.
Aniya kay Pangulo na ang discretion na i-relax ang ECQ sa ibang lugar at i-exempt ang ibang sektor depende sa public health consideration at food security.
Nito lamang ding umaga nang sabihin ni Sec. Nograles na pormal nang inirekomenda ng IATF ang pagpapalawig ng ECQ.
Una nang nanawagan si Vice President Leni Robredo at iba pang mambabatas na palawigin ang ECQ na magtatapos na sa Abril 13 para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.