HANNAH JANE SANCHO
HANDANG ibahagi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang sahod para sa paglaban ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Maging ang Assistant Secretaries of the Offices of the Chief Presidential Legal Counsel at si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay ibabahagi ang sampung porsyento ng kanilang sweldo sa Office of Civil Defense na siyang tagapangasiwa sa lahat ng donasyon kontra sa COVID-19.
Nakiisa na rin sa pagbibigay ng nasa three fourth ng kanilang sahod mula Abril hanggang Disyembre ang mga cabinet members ng Pangulo.
Nauna naman ng nakapagbigay ang kongreso ng halos apatnapung milyong piso na inanunsyo ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Pinangunahan naman ni Senate President Tito Sotto III ang pagbabahagi ng sahod sa hanay ng mga senador para sa kampanya ng pamahalaan kontra COVID-19.
48 naman ang kumpirmadong COVID-19 case at 10 ang nasawi dahil sa sakit.