HANNAH JANE SANCHO
INIHAYAG ng Palasyo na ang Pangulo ang magdedesisyon sa posibleng pagpapalawig sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, batid ng Pangulo ang panawagan ng ibang sektor na nais nito na palawigin pa ang ECQ sanhi ng dumarami pang kaso ng COVID-19.
Aminado rin si Panelo na maaring mauwi sa wala ang aksyon ng pamahalaan kung dadami pa ang kaso ng COVID-19 kung tatapusin agad ang ECQ sa darating na ikalabing-dalawa ng Abril.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa aniya ni Duterte ang pinakamagandang desisyon para maging epektibo ang gagawing aksyon ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.