YNA MORTEL
IPINANUKALA ni Senador Sonny Angara ang hindi pakikipag-kamay sa kapwa tao.
Sa Senate Resolution No. 374 na inihain ni Angara, nakasaad na ipinapaiwas ang mga mamamayan sa pakikipagkamay dahil mabilis itong makahawa sa COVID-19 at anumang respiratory viruses.
Aniya, ang pakikipagkamay ay mas nakakahawa kumpara sa first bumps at high five na kanyang ibinase sa pag-aaral ng American Journal of Infection Control.
Dahil dito, hindi hinihikayat at ipinapaiwas ni Angara ang publiko sa pakikipagkamay para makaiwas sa sakit.