SAM GUTTIEREZ
GINAWA ni Mostafa Keshvari, isang Iranian film director ang pelikulang “Corona: fear is a virus”.
Sinimulan nitong gawin ang pelikula matapos ang outbreak sa China pero bago naganap ang global pandemic.
Ayon sa film critic na si Noah Gittel na dapat maipalabas na agad ang nasabing pelikula kahit na hirap ang mga tao na mai-proseso ang traumang naranasan para sa kaalaman ng manonood.
Patungkol ang pelikula sa pitong katao na nakulong sa isang gusali kung saan hindi makalabas ang mga ito dahil sa virus.