CRESILYN CATARONG
SA Department of Health (DOH) lamang at hindi sa publiko ilalahad ang mga personal na impormasyon ng mga pasyente ng COVID-19, ito ang nilinaw ng Inter Agency Task Force on Infectious Diseases (ITAF).
Ani Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng IATF, upang mapapangalagaan pa rin ang pagkakakilanlan ng mga tinamaan ng coronavirus kailangan lamang umano ang personal information para mapaigting pa ang contact tracing sa ilang indibidwal na nakasalumuha ng COVID-19 patients.
Hindi umano dapat magsinungaling ang mga pasyente ngayong nasa state of calamity ang bansa kung saan may karampatang parusa para sa sinumang magsisinungaling gayundin sa mga magbubunyag ng impormasyon sa publiko.