TERRIJANE BUMANLAG
INIHAYAG ni PhilHealth President at Chief Executive Officer (CEO) Ricardo Morales na hanggang sa Martes, Abril a-katorse na lang babalikatin ng buo ng gobyerno ang gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente ng COVID-19.
Magiging limitado na lang ang kaya nilang sagutin sa gamutan sa limang libong accredited health facilities sa bansa simula sa Miyerkules, Abril a-kinse.
Sinabi ni Morales, pagkatapos ng Abril a-14 ay mayroong apat na kategorya na kayang i-reimburse ng ahensya depende sa klase ng pneumonia kabilang dito ang mild pneumonia na nagkakahalaga ng P43,997; moderate pneumonia na P143,267; severe pneumonia na umaabot sa P333,519; at critical pneumonia na nasa P786,384 pesos.
Ani Morales na ginagawa nila ito upang maipagpatuloy ang “sustainability” ng anti-COVID campaign ng gobyerno.