CRESILYN CATARONG
PINANGUNAHAN ng Philippine Army ang pamamahagi ng mga gulay at bigas sa mga apektadong residente sa Makati at Pasay ng umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon sa Philippine Army Spokesperson Colonel Ramon Zafala, 500 pamilya mula sa Brgy. Southside, Makati at 1,000 pamilya mula Brgy. 156, Pasay ang nabigyan ng tatlong kilo ng gulay at tatlong kilo ng bigas na mula sa donasyon ng Lucio Tan Group, Jaime V. Ongpin Foundation at Philip Morris.
Pinasalamatan naman ni Zagala ang tulong na ipinaaabot ng mga pribadong organisasyon para sa mga nangangailangan nating kababayan.
Tiniyak nito na magpapatuloy sila sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong residente lalo’t umiiral ang ECQ dahil sa COVID-19.