MARGOT GONZALES
SINIMULAN na ang pagpapatupad ng physical distancing sa mga palengke at pamilihan matapos bumuo ng Joint Social Distancing Teams na kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (AFP-PNP) na ide-deploy sa mga public markets katulong ang LGUs.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, na kailangang gumawa ng sistema ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga palengke tulad na lamang ng pagpapatupad ng one entry, one exit policy para makontrol ang dami ng tao.
Ang nasabing hakbang ay napagkasunduan nila ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IAFT) dahil sa hindi umano sinusunod sa Balintawak Market sa Quezon City ang physical distancing.