CRESILYN CATARONG
HANDA nang gamitin ngayong linggo ang Philippine International Convention Center (PICC) Hall bilang isolation facilities para sa mga magpo-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay PNP quarantine facilities Head Col. Glenn Torres, sa kasalukuyan ay isinailalim pa sa disinfection ang pasilidad na pagdadalhan ng Department of Health (DOH) sa mga COVID-19 patient.
Sinabi ni Torres na aabot sa halos 300 pasyente ang maaaring ma-accommodate sa naturang pasilidad na may anim na malalaking nurse station at may centralized air-conditioning unit.
Ayon naman sa DOH, hihintayin na lamang nila ang go signal ng PNP kung kailan puwedeng gamitin sa mga pasyente ang bagong pasilidad.