ADMAR VILANDO
LAYUNIN ng PNP na makatulong sa kampanya ng gobyerno laban sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa kaya naman tiniyak ni PNP chief General Archie Francisco Gamboa na nakahanda na ang PNP Medical Corp para sa pangangasiwa sa PICC Forum Tent.
Sinabi ni Gamboa na nagsagawa na ng inspeksyon ang mga tauhan ng PNP Health Service sa PICC Forum Tent noong isang linggo kung saan 294 COVID-19 patients ang kaya nitong alagaan.
Samantala sinabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac na hinihintay na lamang nila ang abiso ng Department of Health kaugnay sa deployment ng mga doktor at iba pang medical staff ng PNP Health Service sa PICC Forum Tent.