MELROSE MANUEL
MAYROON ng 16 certified laboratory test sa buong Pilipinas na pawang may kapasidad na magsagawa ng RT-PCR test para sa mga COVID-19 patients ayon sa Department of Health (DOH).
Ang mga laboratoryong ito ay ang Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa, Baguio General Hospital and Medical Center sa Baguio, San Lazaro Hospital sa Manila, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu, Southern Philippines Medical Center sa Davao City, UP National Institute of Health sa Manila, Lung Center of the Philippines sa Quezon City, Western Visayas Medical Center sa Iloilo City, Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory sa Legazpi City , St Lukes Medical Center Sa Quezon City at BGC, Medical City sa Ortigas, Makati Medical Center, Philippine Red Cross at iba pa.
Sa ngayon, patuloy na minomonitor ng ahensya ang mga nasabing lab test ng bansa.
Samantala, base sa pinakahuling ulat ng DOH, mayroon pang nalalabing mahigit 90,000 mga test kits sa buong bansa na maaaring magamit sa mass testing.