JHOMEL SANTOS
NANGUNGUNA ngayon ang bansa sa buong Southeast Asia ang may pinakamaraming kaso sa COVID-19 kung saan batay sa US-based Johns Hopkins University, mayroon ng 5,223 COVID-19 cases kasama na dito ang 335 na nasawi at 295 na nakarekober.
Sinundan ang Pilipinas ng Malaysia na mayroong 4,987 coronavirus infections na may 82 deaths at 2, 478 recoveries. Nasa ikatlong pwesto naman ang Indonesia na mayroong 4, 839 cases na may 459 deaths at 426 recoveries. Ang Indonesia naman ang nakapagtala ng maraming nasawi habang zero fatality sa Vietnam.