Pinakamalaking supermoon ngayon taon, naitala sa buwan ng Abril
Angel Pastor
HINDI na kailangan pa ng telescope para makita ng maliwanag ang buwan, dahil kagabi Martes Abril 7, ay kitang-kita ang largest fullmoon o pinkmoon ngayong 2020, dahil maging sa ibang bansa ay nasilayan ito.
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration o NASA, nangyayari ang supermoon kapag pinakamalapit ang buwan sa daigdig kaya nagiging mas malaki ito sa paningin kumpara sa average full moon.
Ang supermoon o pinkmoon ay hindi literal na magmumukhang kulay pink ngunit maaaring lumitaw ang mas ginintuang kulay nito habang tumataas.
Ito ay dahil rin sa epekto na sanhi ng ating kapaligiran, na katulad ng kung paano ang araw ay lumitaw nang mas pula habang tumataas ito.
Sa kabuuan ng taong ito ay magkakaroon ng apat na supermoons, kahapon Abril 7 naitala ang unang supermoon, ang susunod naman ay magaganap sa Mayo 7, Oktubre 1 at sa Oktubre 31.