CRESILYN CATARONG
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na may mga nakalatag nang plano ang pamahalaan para mapabagal at tuluyang mahinto ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Tugon ito sa pahayag ng bumisitang Chinese medical experts na mabibigo ang bansa na maputol ang pandemic dahil sa limitadong bed capacity.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, chief ng research division ng DOH, marami na ring mega quarantine facilities na naitayo sa Metro Manila at sa ibang lugar kung saan ia-isolate ang mga suspect cases.
Sa report ng CCTV Asia Pacific, sinabi ni Dr. Weng Shangeng, na siyang head ng medical team, na kailangang mag-establish ng Pilipinas ng tinatawag na “Fangcang” hospital na isang make-shift shelter para ma-accommodate ang malaking bilang ng mga pasyenteng infected ng COVID-19.