MELROSE MANUEL
NAGBANTA si Pangulong Rodrigo R. Duterte na magdedeklara ng martial law kapag nagpatuloy ang mga rebelde sa pagpatay sa mga pulis at sundalong nagdadala ng pagkain at pera sa mamamayang apektado ng enhanced community quarantine.
Ito ay matapos mangyari kamakailan ang isang insidente ng pananambang ng New People’s Army sa dalawang sundalo na maghahatid ng pera sa mga tao.
Sa kanyang public address, nagbabala ang Pangulo na kapag nagpatuloy ang ‘lawlessness’ at patuloy ang pagpatay sa mga sundalo at pulis na naghahatid lang ng pagkain at pera sa mga residente ay magdedeklara siya ng martial law.
Dagdag pa ng pangulo, mayron pa aniya siyang dalawang taon sa termino para tapusin ang mga rebeldeng kasama na ang iba pang makakaliwang grupo na patuloy na nanggugulo sa taumbayan.