HANNAH JANE SANCHO
NAGDESISYON si Pangulong Rodrigo R. Duterte na mananatili sa kaniyang posisyon si Health Secretary Francisco Duque III.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na walang balak ang Pangulo na tanggalin sa puwesto ang health secretary kung saan kinilala rin umano ni Pangulong Duterte ang hakbang ng mga senador subalit matimbang ang kanyang mga “options” kaugnay sa naging trabaho ni Duque sa DOH.
Una rito, nagsampa ng isang resolusyon ang labinlimang senador kung saan nanawagan sa pagbibitiw sa puwesto ni Duque dahil sa kapabayaan umano sa nangyayaring krisis ngayon bunsod ng COVID-19.