PORMAL na pasisinayaan ang RapidPass System sa mga checkpoint ngayong araw, Abril a-3.
Ito ang inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, na may layong mapabibilis ang sistema ng pag check ng mga sasakyan at mababawasan din ang person-to-person contact sa mga frontliners na gumagawa ng kritikal na serbisyo sa mga checkpoint.
Paliwanag ni Nograles, gagamit ang mga frontliners sa mga checkpoints ng QR Code Scanners na nasa smartphones at isa-scan ang unique QR codes na ibibigay sa mga authorized individuals o vehicles.
Ang RapidPass ay pwedeng irekwes ng mga frontliner o authorized personnel sa pamamagitan ng website na rapidpass.ph, maaaring sa desktop o mobile device.
Paglilinaw ni Nograles, available para sa lahat ang RapidPass pero hindi naman ito nire-require na gamitin at pwede pa ring magpakita ng ID o dokumento para makadaan sa checkpoint.