MARGOT GONZALEZ
PWEDE na ang religious at essential works gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula bukas May a-uno.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing, pero aniya kailangan pa ring magsuot ng face mask, face shields, at iba pang facial protective equipment ng mga attendees hanggang matapos ang nilahukang event.
Maliban dito, dapat panatilihin din ang pagpapatupad ng social distancing na mayroong dalawang metro ang distansya.
Samantala, papayagan na rin sa mga lugar na nasa GCQ na magbukas ang ilang mga establisyemento upang muling tumakbo ang ekonomiya kasama na rin ang mga pampublikong transportasyon para makapasok na ang mga empleyado.
Subalit may mga protocols pa ring dapat sundin pagdating sa public transportation kung saan kailangan may isang metro ang layo ng mga pasahero sa isa’t-isa.