SAM GUTTIEREZ
NAGLABAS ng isang bagong kanta ang Rolling Stones Band na may kaugnayan sa panahong ito ng coronavirus pandemic.
Inilabas ng banda ang 4 minute slow-burning blues- harmonica na “Living in a Ghost Town” noong Huwebes.
Ipinaliwanag ng frontman ng grupo na si Mick Jagger na plano na nilang ipalabas ang kanta bago pa man ang global lockdown.
Kamakailan lamang ay sumali rin ang Rolling Stones Band sa “One World: Together at Home,” concert.
Ang iba pang mga musician’s katulad ng Twenty One Pilots ay nag release din ng kanilang single na “Level of Concern” na may kaugnayan pa rin sa coronavirus.