CRESILYN CATARONG
Sinisiguro ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bigas at essential food items gaya ng manok at baboy habang nagpapatuloy ang enhanced community quarantine
Sinabi ni IATF Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, tuluy-tuloy aniya ang mga ginagawang hakbang ng kagawaran para matiyak na sapat ang rice supply sa katapusan ng Hunyo.
Ito ay katumbas ng aabot sa 18 million metric tons (mtt) ng bigas, na sasapat sa loob ng walumpu’t apat (84) na araw.
1.95 million metric tons ng manok naman na kakasya sa animnapu’t dalawang (62) araw at 1.12 million metric tons ng baboy.
Binigyang-diin ni Nograles na may sapat na pagkain ang mamamayang Pilipino at hindi aniya mauubusan ng suplay sa mga merkado.
Maliban dito, base sa report ng DA nabigyan na ng financial subsidy for rice farmers ang 52,043 na magsasaka, habang ang rice farmers financial assistance ay naipagkaloob na sa 438,207 na magsasaka.
Kaugnay nito, inireport ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namahagi sila ng 445,580 family food packs (FFPS) sa mga local government unit (LGUs) at mayroong stocks na 384,426 family food packs (FFPS) sa mga warehouse ng DSWD sa buong bansa.