SAM GUTTIEREZ
IPAPASUBASTA ng celebrity childstar Scarlet Snow Belo ang ilan sa kanyang mga artworks upang makalikom ng pera para sa mga scientist sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa IG posts ni Scarlet, ginawa niya ang mga ito sa isang live art session kasama ang team ng kanyang half-brother na si Quark Henares.
Naka-upload sa kanyang Instagram page, ang mga larawan ng kanyang mga gawang artworks.
Ang perang kanilang malilikom ay mapupunta sa mga scientist sa Philippine Genome Center at Research Institute of Tropical Medicine.
Katuwang ng fundraising effort na ito ay ang Belo Medical Group na pag-aari ng kanyang inang celebrity doctor na si Vicki Belo.