HANNAH JANE SANCHO
NAGPAALALA si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa mga negosyante na kanilang tiyakin ang seguridad ng kanilang mga empleyado.
Ito ay sa oras na magbalik-operasyon ang mga ito sa mga lugar na sasailalim sa general community quarantine (GCQ) sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa national address ng Pangulo, dapat tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan, kung saan dapat din aniyang i-disinfect ang kanilang mga establisyamento bago muling magbalik ang kanilang operasyon.
Sinabi rin nito na dapat may mga health protocols na ipatutupad bilang pag-i-ingat sa pagkalat ng virus.