TERRIJANE BUMANLAG
PABOR si Senator Christopher Bong Go sakaling palawigin pa ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon kung saan naaayon aniya na i-extend pa ang lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nananawagan din ang senador sa publiko na huwag nang magpasaway at sumunod na lamang para sa kapakanan ng lahat.
Sinabi pa nito na lalo lang tatagal ang pagkakakulong ng bawat isa sa kani-kanilang mga bahay kung hindi sila magtitino.
Ani Go ay lubos na pinag-iisipan ng pangulo ang susunod na hakbang nito at nakikipag-dayalogo na rin sa mga health secretaries ng mga nagdaang administrasyon para makapag-desisyon ito ng maayos.