IPINALIWANAG ng Philippine National Police (PNP) na huwag intindihin ng literal ang katagang “shoot them dead” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, bahagi na ng standard operating procedure ng mga pulis na gumamit ng baril kung kinakailangan ng sitwasyon lalong-lalo na kung nanganganib ang buhay nito o ng mga sibilyan.
Wala naman umanong mangyayaring barilan kung lahat ay makikiisa sa ipinatutupad na batas ng pamahalaan.
Tiniyak naman ni Gamboa na magiging ligtas at maayos ang pagtulong ng PNP sa pamamahagi ng ayuda sa publiko.