TERRIJANE BUMANLAG
TINIYAK ni Cabinet Secretary Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases Karlo Nograles sa virtual briefing na sapat pa rin ang suplay ng kuryente at tubig sa Luzon sa gitna ng krisis sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Nograles, iniulat ng National Water Resources Board na nagbigay sila ng full water allocation na 46 cubic meters per second sa MWSS mula sa angat reservoir hanggang April 30, 2020 para matiyak ang patuloy na suplay ng tubig sa Metro Manila.
Iniulat naman aniya ng Department of Energy na mayroong available capacity na 11,795 megawatts kung saan mas malaki ito kumpara sa actual peak demand na 7,323 MW sa Luzon.
Ibig sabihin, kasalukuyan aniyang mayroong excess capacity na 4,742 MV at may lubos na suplay ng kuryente sa Luzon.