CRESILYN CATARONG
SAPAT ang pagkain at bigas sa Luzon habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) ayon sa Department of Agriculture (DA) kung saan nakapamahagi ang ahensya ng 80,000 na sako ng bigas mula sa Regions 1, 2, at 3 papuntang CAMANAVA o Caloocan-Malabon-Navotas area.
Nakapag-provide din ang naturang kagawaran ng iba’t-ibang klase ng vegetable seeds at seedlings sa mahigit isang daan at pitumpung libong (173,957) benepisyaryo sa pamamagitan ng Urban Agriculture Program.
Nakapamigay naman ang DA ng fingerlings at seaweed propagules sa 1,005 fishpond at cage operators at seaweed farmers.
Kaugnay nito, nakipagtulungan ang Department of Agriculture sa tinatayang labing dalawang libong (12,000) mga magsasaka at market workers bilang bahagi ng Kadiwa activities ng ahensya.