MELODY NUÑEZ
SAPAT ang suplay ng tubig sa buong Metro Manila ngayong summer sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine ayon sa National Water Resources Board kasunod ng pangamba ng publiko na kukulangin ang suplay ng tubig ngayong may banta ng COVID-19.
Ayon kay Executive Director Sevilla David Jr., batay sa kanilang huling tala, nasa 192 meters pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.
Mas mataas aniya ito ng labingdalawang metro sa normal na 180 meters na operating level.
Nananawagan naman ang ahensya sa publiko na magtipid pa rin sa paggamit ng tubig kung saan nagkaroon na rin ng water crisis noong nakaraang taon sa bansa bunsod na rin ng matinding epekto ng El Niño.