Ni: Jonnalyn Cortez
HINDI na bago sa karamihan ang paniniwalang ang emosyonal na kalagayan ay may malaking epekto sa pangkalahatang kalusugan. Kung malungkot o masaya ang isang tao, may direktang epekto ito sa kanyang pisikal na anyo. Sa dinami-rami ng mga nagsusulputang beauty treatment ngayon, mayroon bang tiyak na makakatulong sa iyong emosyanal na estado?
Narito ang suhestiyon ng holistic wellness coach at facialist na si Katie Light, beauty therapist at practitioner ng 20 taon.
Nagsanay si Katie Light upang makabuo ng makabagong paraan upang ma-promote ang wellness — ito ang Light Technique, na gumagamit ng talk therapy, reiki, masahe at reflexology upang ma-destress, i-energize, i-focus at mas mapagaan ang pakiramdam ng mga kliyente.
“From my perspective when treating a particular concern, holistic treatments consider the whole person: body, mind and emotions rather than just the physical condition,” wika ni Light.
“Stress, as we know, can affect many aspects of body and mind, however it might just be manifesting and showing up in a physical symptom. With a holistic approach, you work on a deeper level, treating the whole person, re-balancing and re-aligning the physical and emotional (states).”
Kung ihahambing sa karaniwang spa therapy, ang Light Treatment ay nagsismula sa pag-uusap o talk therapy upang malaman ng therapist kung ano ang nararamdaman at nangyayari sa buhay ng kanyang kliyente na maaaring pinagmumulan ng stress.
Sa pamamagitan ng pag-uusap, malalaman ng therapist kung ano ang tamang treatment para sa kanyang kliyente, kung tamang masahe lang, reiki o reflexology, at kung gaano katagal.
“The talking therapy part of the Light Technique is to actively listen and understand what the problem represented relates to and to ascertain the possible cause,” dagdag pa ni Light.
“It also allows clients to talk through and understand where or how they might be in this stressful situation.”
Bunsod nito, maaaring i-personalize ng therapist ang treatment module na gagamitin o i-didisenyo upang maibigay ang tamang lunas na kinakailangan at naaangkop sa lifestyle ng kliyente.