TERRIJANE BUMANLAG
NAGPOSITIBO sa coronavirus disease ang 4 na taong gulang na babaeng Malayan Tiger sa Bronx Zoo sa New York City ayon sa USDA National Veterinary Services.
Bukod sa nasabing hayop, 3 iba pang tigre at 3 African Lion ang nagkaroon ng dry cough at humina sa pagkain na posibleng nahawa ang mga ito sa caretaker na nadapuan ng COVID-19.
Itinuturing ito ang kauna-unahang kaso ng infection ng naturang virus sa Amerika.
Kaugnay nito ay pinayuhan ng CDC, ang mga COVID-19 patients na iwasan ang pagdikit sa mga hayop.
Samantala, sinabi ng USDA na wala pang ebidensya na maaring makapagpasa ng COVID-19 ang hayop sa mga tao.