HANNAH JANE SANCHO
NAGKAUSAP sina US President Donald Trump at Pangulong Rodrigo R. Duterte sa pamamagitan ng telepono.
Ito ang kinumpirma ni Senator Bong Go kung saan pinag-usapan umano ng dalawang lider ang bilateral cooperation laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sinabi ni Go na mismong si Trump ang tumawag kay Panguolong Duterte nitong Linggo ng gabi.
Tumagal ng halos 20 minuto ang pag-uusap ng dalawa kung saan hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang senador.