TERRIJANE BUMANLAG
MULING pinalawig ng US Defense Department ang kanilang travel restriction hanggang Hunyo a-30 para tuluyang masawata ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Matthew Donovan, Undersecretary of Defense for Personnel and Readiness, magsisimula ang travel ban ngayong araw ng Lunes.
Sinabi ni Donovan na papayagan lamang ang mga redeployments at repatriation ng mga sundalo sa ibang bansa.
Nauna nang ipinatupad ng US ang 60-day travel ban sa mga sibilyan at military noong Marso na nakatakdang magtapos sa darating na Mayo.